Pag - ibig

Pag ibig pag narinig ng nakararami iba ibang kahulugan kanilang naiisip. Ang pag ibig ay nakakasakit, ang pag ibig ay bulag, ang pag ibig kanilang sinisinta agad ang nasa isip. Ngunit hindi nila naiisip na ang tunay na pag ibig ay ang pagsasakripisyo nang kaisa isang nagmamahal satin walang iba kundi si Kristo.
Minsan naiisip ng iba kapag nasasaktan na sila wala ng pag asa na maghilom pa. Hindi naman kasalanan ang magmahal natural lang naman subalit ang iba kung naabuso at nasasaktan wala ng sambit kundi iba ibang kahulugan.

Ngayong Pebrero na naman ay araw ng mga puso marami na naman ang makikitang nagbibigayan ng mga regalo na may hugis puso. Minsan ang iba pa kung kailan araw ng mga puso doon lang naisipan na mahalin hindi naiisip na kailangan dapat araw araw ay nagmamahalan. Marami sa mga kabataan ngayon hindi na alam ang salitang pag ibig basta nalang mahal ng mahal kahit na pinagbabawalan sumusuway pa rin kaya anung kinahahantungan wala sarili ay nasisira. Marami kasi sa ngayon puso ang sinusunod hindi na isip kaya marami ang nakakapagdesisyon ng mali. Pag ibig sa lahat ng aspeto ang kailangan pag ibig sa pamilya, kaibigan , guro, kamag aral o kung sinuman subalit huwag kalimutan ang siyang palaging nagmamahal sa atin siya ay ang Panginoon na kahit hindi na tayo kamahal mahal, kahit minsan ay atin syang tinatalikuran palagi niya tayong binabalot ng kaniyang pagmamahal.

Comments

Popular posts from this blog